Sunday, January 20, 2008

MISSION & VISION

Sining Agape ni San Policarpo

Ang Sining Agape ay isang samahang pangtanghalan na binubuo ng mga mag-aaral na nagkakaisa sa layunin na linangin ang ibat-ibang larangan sa teatro. Itinatag ang samahan dahil sa pananalig sa kahalagahan ng sining bilang pinakamabisang paraan sa pagtuklas sa sarili mula sa pagbuo nito hanggang sa mas malawak na daigdig ng lipunan, pulitika, ekonomiya, moralidad, at kultura ng tao. Ang Sinagap ay naniniwala ring makapagaambag ng malaki sa edukasyon sa pamamagitan ng mga dulang tumatalakay sa tungkulin ng bawat estudyante at mamamayang naglalayong pandayin ang sariling pagkatao tungo sa pananaw at pangkalahatang kaisipan. Gayundin ang mga kasapi ng Sinagap ni San Policarpo ay umaasang magiging kasangkapan ng katotohanan at pagbabago upang iwasto ang mga maling paniniwala at gisingin ang damdaming makasining ng bawat isa. Sa kabuuan, ang Sinagap ay hindi lamang nakatuon sa pagbibigay-aliw o pagpapakita ng kahusayan sa pagganap kundi sa higit na makabuluhang pagpapalaganap sa sining bilang matibay na sandigan sa pagkakabuklod-buklod ng magkakasalungat na simulain at paniwala.

No comments: